Bagong evacuation center ng Lungsod Pasig, pinasinayaan


LUNGSOD PASIG, Hunyo 4 (PIA) — Pinasinayaan nina Pasig City Mayor Vico Sotto at Representative Roman Romulo ang bagong evacuation center ng lungsod.

Nitong Huwebes, pinangunahan ng dalawang opisyales ng lungsod ang inagurasyon ng bagong evacuation center na matatagpuan sa Sta Lucia Bliss.

“Malaki at maganda ang pagkakagawa. Kapag tapos na ang pandemya, magagamit din ang 2nd floor bilang multipurpose hall at 3rd fl bilang basketball court,” pahayag ni Mayor Sotto.

Pinasalamatan din ng punong lungsod ang Department of Public Works and Highways (DPWH) at si Cong. Romulo para sa naturang proyekto na magpapalakas sa Disaster Risk Reduction and Management ng siyudad.

“Salamat sa DPWH at siyempre kay Cong Roman dahil siniguro niyang may nakalaan na pondo para rito. Maraming mabababang lugar sa Brgy Sta Lucia.”

Idinagdag din ni Mayor Vico na patuloy ang pagpapatupad ng flood control masterplan ng lungsod.

“Tuloy-tuloy nating ipinapatupad ang flood control masterplan ng lungsod, pero dapat paghandaan ang anumang posibilidad.” (PIA NCR)



Source Linkwww.bignewsnetwork.com

Related articles

Comments

Share article

Latest articles

Newsletter

Subscribe to stay updated.